Saturday, August 3, 2013

Ang Aking Panambitan




(Ang Aking Panambitan ay 
binase ko ito sa 
Tulang "Panambitan" ni Myrna Prado 
na Salin ni Ma. Lilia F. Realubit)








Ang Aking Panambitan
ni Mary Jo Honey A. Boyles


Lahat ng nilalang may pinapangarap 
Ngunit iilan ang nagsusumikap
Subalit may sadyang hadlang na dadating 
Ang may lakas ng loob sa paparating


May sangkap sa pagkuha ng tamang timpla
Kinakailangan ang wastong pagtansya
Walang masama sa taong may pangarap
Huwag ka lamang hanggang sa sumusulyap


Kilos kung kilos, Labanan kung labanan,
Huwag magpapahuli sa mayayaman
Magpursigi ka at ito'y makakamtan
Dahil ang Diyos ay mahal kang lubusan.

July 2013

No comments:

Post a Comment